Simula ng Pagyaman!

May nakasabay akong kakilala sa bus nuong Oktubre 13, 2011.

Isa rin siya sa mga nakabasa nung libretong Perang Hindi Bitin. Kung susumahin, dalawang bagay lang ang natutunan ko sa mahigit isang oras naming pagkukuwentuhan tungkol sa pera:

  1. ‘wag pagsamahin ang ‘yong mga itlog sa isang bayong
  2. Hindi sa’yo ang mga bagay na hawak mo ngayon dahil sa utang

(paalala: ang mga itlog na tinutukoy sa unang punto ay itlog ng manok. ‘wag mo nang kilitiin ang ‘yong isip)

Sa dalawang prinsipyong ito, ginanahan akong ituloy na nga ang matagal ko nang inaambisyon – ang mag-artista.

umuusbongUuuuy, interesado…

Kaibigan, bago ang lahat, maraming salamat ‘pagkat masipag kang magbasa. Hindi ko talaga gusto maging artista (konti lang :P). Ang layunin ko talaga sa blog na ito ay i-tala ang magiging detalye sa pag-abot ko ng pangarap. Nais ko din mabigyan ng susubaybayan ang mga katulad kong libangan ang managinip ng gising. Sa madaling sabi, gusto ko yumaman, gusto ko ibahagi kung paano at gusto ko alam niyo kung yumayaman na nga ako.

Pero hindi ako magpapakilala. Ayoko makatanggap ng death threat balang araw, o di kaya kidnapin-for-ransom yung mga anak ko kasi nga “mayaman na” ako.

At lalong ayoko rin maanyayahang maging “producer” ng susunod na pelikula ni Marian Rivera balang araw.

Advertisements
Nai-post sa Paano Yumaman | Tagged , , | 15 mga puna