About

Dito matatagpuan ang hubad na larawan ni Mary Ann Kidayo. Ngunit sa ikadidismaya ng mga manyakis, ang kahubarang tinutukoy dito ay talinghaga lamang.

Inilalahad sa blog na ito ang aking buhay pinansyal mula nuong Oktubre 13, 2011 (wala naman akong buhay pinansyal bago niyan, buhay utang madami :lol). Layunin kong maging modelo ni Presidente Noynoy Aquino sa kanyang adhikaing Tuwid na Daan -hinahamon ko siyang maging kasing “transparent” at “open-book” ko. Bawat usapang pera, “adventures” sa bangko, pakikipag-usap sa nagpapapautang at mangungutang, hangaring ng “pag-iinvest” at pakikipag-kamay kay Papa Piolo, ay tiyak na naka-“record” dito. Wala akong palalagpasin, Walang kaibi-kaibigan at walang kamaganakanak.

Kung hinahanap mo parin yung hubad kong larawan:



Si Mary Ann Kidayo ay isang katauhang nagmula sa mga letra ng katagang: “Yayaman Din Ako”.
Takdang Aralin: Tuklasin kung paano mabubuo ang pangalang Mary Ann Kidayo sa mga letrang “yayaman din ako” – 15 points

Advertisements

9 Responses to About

  1. chrisair ay nagsasabing:

    ako don yayaman din, pagdating ng panahon

  2. Gil Camporazo ay nagsasabing:

    Sa Takdang Aralin mo: Mabubuo ang pangalan mo sa letrang “yayaman din ako” kung oalitan ang isang “a” ng “r” tapos rearrange ang mga letra ayun sa pangalan. Presto “Mary Ann Kidayo” na. Kasi ang meron 13 na letra ang “yayaman din ako” at ang iyong pangalan meron din 13 na letra. Ang kaibahan lang 4 ang “a” at walang “r” sa kabila. ang pangalan mo me 3 “a” at me “r” …. Nanalo ba ako?

  3. Joey Taleño ay nagsasabing:

    sa pamamagitan ng Photoshop! Hihi

    • Mary Ann Kidayo ay nagsasabing:

      mahirap lang po ako sir, wala po ako pambili ng sariling computer 🙂 nasa computer shop lang po ako nang ginawa ang hubad kong larawan, at ang ginamit ko ay ang Open-source (libreng) GIMP ;P

      pero dahil masipag ka’t ginawa ang takdang aralin, bibigyan parin kita ng 5 points 🙂

      game may 5 points pang natitira, sino kaya ang makakakuha??
      price subject to change without prior notice. patnubay ng magulang ay kailangan.

  4. Myrns Geronimo Roman ay nagsasabing:

    magaling kang bata ka! hanga ako sa mga taong positibo sa buhay…wish ko din..umaasang yayaman din ako ! yayaman tayo! ^_^

  5. ResidentPatriot ay nagsasabing:

    ser, okay tong site mo ah. dahil 1st follower mo ako, wag mo rin ako kalimutan pag yumaman ka na ha? 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s