Subok Ulit

Buying a house is not a fly by night decision. It takes a lot of research, commitment and dedication. After all, it’s your most expensive investment. – Denise

Dugo ba ilong mo sa lalim ng ingles? ‘Wag ka mag-alala, inabot ako ng isang linggo bago ko ‘yan naisalin sa tagalog. Pero di ko na babanggitin dito kasi “redundant content” ang tawag duon at pampababa ‘yon ng “page rank“. Kaya naman ngayon lang ulit ako nakapag-blog, ang hirap din kasi intindihin nung tagalog na salin niyan. Pero siyempre ayoko na nahihirapan ang aking mga mambabasa, kaya’t hayaan mo akong ipaliwanag ‘yan sa’yo sa wikang intsik: Ikaw bili bahay? Ikaw bayad buhay!

Sa kasalukuyang kalagayang ng ekonomiya ng Pilipinas, mabuti pa yung intsik, naiintindihan ng maigi ang tunay na halaga ng bahay at lupa.
Mga ilang linggo pa lang naman ang nakakalipas ng simulan kong pangarapin magkaroon ng sariling bahay. Ito’y kabilang sa mga nanghikayat sa akin na mag-ipon.

Pero may problema sa pag-iipon – hindi ‘yon kasing dali ng itinuturo sa atin gamit ang alkansyang baboy. Sa tunay na buhay, kung nais maging praktikal, huwag ka nang mag-ilusyong makaka-ipon ka din. Aminin mo na, nung umabot ng limang-libo (o higit pa) yung ipon mo, gusto mo na kaagad bumili ng iPhone. Mahirap mag-ipon, lalo na’t kapag alam ng mga kapamilya mong may iniipon ka, gagawa sila ng paraan para mapilitan kang gastusin ang ipon mo.

Iyan ang palusot ng mga taong walang disiplina, na palusot ko din naman dati (nagbago na ko pramis :P). Napag-isipisip ko na kasing hindi yung pag-iipon ang mahirap kundi ang pagkakaroon ng disiplina. Disiplina – marahil ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng batas tungkol sa pwersahang pagkaltas ng sweldo ng mga manggagawang Pinoy. Kung hindi ito ipinatupad, walang magbabayad ng buwis. Kaya naman, kung nais mong makapag-ipon, sigurado akong mabisa ang paraan ng pagbabayad ng buwis sa sariling gobyerno – isang gobyerno kung saan ikaw ang presidente, at bangko ang BIR. Ito ang prinsipyong tumatakbo sa “Automatic Savings“.

Kaya’t nag-punta na ako sa BDO nung isang beses para gumawa ng bagong “Savings Account”  na sa kasawiang palad, may kalakip na bayad din pala. Sa pahina ng InitialDepositRequirements at DepositProducts matatagpuan ang detalye ng iba’t ibang klase ng Savings Account sa naturang bangko. Pangarap ko sana magbukas ng Optimum Savings ang kaso, hindi pala uubra duon ang ala-bumbay, di pede yung “por-gibs” o “payb-gibs”. Nagbaka-sakali din ako dun sa Junior Saver’s Club (mukha naman akong bata) kaso sabi nila “Sorry sir, this is only offered to kids aged 7 to 12 years old.” Sagot naman ako ng “Ah, ok.” Ang ending, dun ako sa Peso Savings Account Payroll – mas madali nga ito gawin sa halagang isang daang piso lang (100.00), ang kaso mas matagal bago magka-interes dahil kailangang lumaki ng limang-libo (5,000.00).

Ang plano? Simple lang – sa kasalukuyan, ako ay naninilbihan sa isang kumpanya. Sila na rin ang nagmagandang loob na gawan ako ng Payroll Account nang ako’y kanilang ginawang alila. Kung mahina ang utak, ibig sabihin, dalawa na ang aking account sa BDO. Gamit ang tinatawag na Scheduled Transfers, magbabayad ako ng buwis sa aking sarili galing sa payroll account ng aking mga amo. Sa tulong ng Compounding Interest ang aking ipon ay di magtatagal makabubuo rin ng 25,000. Kapag nangyari iyon, maari na akong gumawa ng Optimum Savings Account. Uulitin ko ang prosesong ito sa bagong account na iyon at di magtatagal – yayaman din ako!

Advertisements

About Mary Ann Kidayo

Dati po akong palaboy - kalimitang nakikitang naglalakad ng nakapaa at madaling makilala dahil sadyang kapansin-pansin ang kaitiman. Kaitimang hatid ng pinaghalong polusyon, gutom, antok at masamang espiritu ng depresyon. Kung nagtataka ka kung paano ako nakakapag-blog ngayon - may facebook account din ako, add mo ko ha? ;)
This entry was posted in Paano Yumaman and tagged , , , . Bookmark the permalink.

One Response to Subok Ulit

  1. Nortehanon ay nagsasabing:

    Hmn, so si Mary Ann ay isang “sir”? (“Sorry sir, this is only offered to kids aged 7 to 12 years old.”) hehehe

    Magandang araw, natutuwa ako at natagpuan ko itong blog mo. Masarap basahin dahil kahit seryoso ang topic, you are presenting it in a manner na nakalilibang at madaling basahin at intindihin.

    Tama ka, disiplina ang kulang kung bakit marami sa atin ang hindi nakakapag-ipon. Pero kung minsan, kahit anong disiplina ang gawin natin, sadyang hindi kasi talaga sapat ang kinikita natin, o sapat na sapat lang at wala nang matitira para ipunin lalo na sa kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas ngayon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s