Kung May Sarili Akong Kumpanya…

Kung nabasa mo ang mga nauna konng lathala, maaring naisip mong katuwaan lang ang blog na ito. Sa totoo lang, ako din naman, gusto ko sanang maging katuwaan na lang ang lahat. Sinong di mapapasaya ng ula-aa-aa-aaa-aan? Pero dahil kailangan magkaroon ng puno’t dulo ng lahat, naisip kong ilahad dito ang mga detalye kung paano ako umabot sa puntong gusto ko na simulang yumaman.

Tulad ng ibang pangkaraniwang pilipino, marami akong utang. Ang masama lang, hindi naman sa akin yung utang – pamana lang. Sa ganitong pagkakataon, pinupuri ko ang sarili ko na hindi ko ginalingan ang pag-aaral sa math. Nakakatulong itong bawasan ang lungkot, natatagalan bago ko malaman ang kabuuan ng utang. Pero ganun pa rin naman, ang utang ay utang – sa huli, malalaman mo din kung magkano na lahat. Kung gusto mo ng aktwal na halaga simpleng mga kalahating milyon lang – P500,000.00

Kung accountant ka at kailangan mo ng breakdown of fees:

  • 35,000 – utang sa bumbay, ginamit pampuhunan ng tindahan
  • 35,000 – utang ulit sa bumbay (ibang nilalang, pero baka magkapatid lang sila, magkamukha kasi e), pampuhunan din sa tindahan dahil ayaw nang magpautang nung naunang bumbay
  • 6,000 – utang sa pinoy, may interest na sampung pursyento kada buwan (mula ) kaya marahil lalaki pa
  • 4,700 – utang sa coop, pambili ng pamalit na nanakaw na cellphone
  • 22,500 – utang sa kaibigan, hulugang kagamitang pang-hanapbuhay
  • 175,000 – lumaking utang sa gobyerno – Estate Tax
  • 65,000 – utang sa Pag-ibig

  • 62,720 – pasalubong at pabaon (konti lang, di naman ako kasing gahaman ni Lt. General)
  • 94,080 – Kickback ko siyempre (60% nung 156,800 na natitira bago magpabaon)

Kalahating milyon – maliit na halaga lamang sa mga taong nasa tuktok ng tatsulok, ngunit kapresyo na ng buhay ng aking buong pamilya. Marahil kung may sarili rin akong kumpanya, baka ilang minuto lang bayad na yan.

Mabuti na lang at nalagpasan ko na ang panahong wala akong ginagawa kundi managinip. Mali si Rizal, mas tama siguro kung yung kasabihan ay gagawing “Ang taong ‘di marunong maglakad, ‘di makakarating sa paroroonan.” Kung mananatili akong nangangarap lang, hindi ko ‘yon maabot, magpapatuloy lang ang tradisyong magpamana ng utang. Ngunit naniniwala ako na mag-iiba na ang panahon, ito na nga ang simula – seryoso po ako, yayaman din ako!

Advertisements

About Mary Ann Kidayo

Dati po akong palaboy - kalimitang nakikitang naglalakad ng nakapaa at madaling makilala dahil sadyang kapansin-pansin ang kaitiman. Kaitimang hatid ng pinaghalong polusyon, gutom, antok at masamang espiritu ng depresyon. Kung nagtataka ka kung paano ako nakakapag-blog ngayon - may facebook account din ako, add mo ko ha? ;)
This entry was posted in Maala-ala Mo Kaya and tagged , , . Bookmark the permalink.

One Response to Kung May Sarili Akong Kumpanya…

  1. Pingback: Bilang Isang Mabuting Mamamayang Pilipino « Yayaman Din Ako

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s