Simula ng Pagyaman!

May nakasabay akong kakilala sa bus nuong Oktubre 13, 2011.

Isa rin siya sa mga nakabasa nung libretong Perang Hindi Bitin. Kung susumahin, dalawang bagay lang ang natutunan ko sa mahigit isang oras naming pagkukuwentuhan tungkol sa pera:

  1. ‘wag pagsamahin ang ‘yong mga itlog sa isang bayong
  2. Hindi sa’yo ang mga bagay na hawak mo ngayon dahil sa utang

(paalala: ang mga itlog na tinutukoy sa unang punto ay itlog ng manok. ‘wag mo nang kilitiin ang ‘yong isip)

Sa dalawang prinsipyong ito, ginanahan akong ituloy na nga ang matagal ko nang inaambisyon – ang mag-artista.

umuusbongUuuuy, interesado…

Kaibigan, bago ang lahat, maraming salamat ‘pagkat masipag kang magbasa. Hindi ko talaga gusto maging artista (konti lang :P). Ang layunin ko talaga sa blog na ito ay i-tala ang magiging detalye sa pag-abot ko ng pangarap. Nais ko din mabigyan ng susubaybayan ang mga katulad kong libangan ang managinip ng gising. Sa madaling sabi, gusto ko yumaman, gusto ko ibahagi kung paano at gusto ko alam niyo kung yumayaman na nga ako.

Pero hindi ako magpapakilala. Ayoko makatanggap ng death threat balang araw, o di kaya kidnapin-for-ransom yung mga anak ko kasi nga “mayaman na” ako.

At lalong ayoko rin maanyayahang maging “producer” ng susunod na pelikula ni Marian Rivera balang araw.

Advertisements

About Mary Ann Kidayo

Dati po akong palaboy - kalimitang nakikitang naglalakad ng nakapaa at madaling makilala dahil sadyang kapansin-pansin ang kaitiman. Kaitimang hatid ng pinaghalong polusyon, gutom, antok at masamang espiritu ng depresyon. Kung nagtataka ka kung paano ako nakakapag-blog ngayon - may facebook account din ako, add mo ko ha? ;)
This entry was posted in Paano Yumaman and tagged , , . Bookmark the permalink.

15 Responses to Simula ng Pagyaman!

  1. Clint Andrew ay nagsasabing:

    Mabisang impormasyon. Maraming salamat dito. 🙂

  2. Sionee- kindlehearts ay nagsasabing:

    Hmm This is very interesting. I’ll definitely check your facebook account. 🙂 sana nga yumaman tayo…hihihi

  3. Gil Camporazo ay nagsasabing:

    Anu bang pagkakaton ito. Mahalaga sa akin ang Oktubre 13. Itong buwan at petsa ako’y ipinanganak. Nasa Zodiac sign po ako ng Libra. Pala biro ka pala. Gusto ko ang istilo ng pagsulat mo. Pagpahayag ng pangyayari alinsunod sa interest hanggang sa discount. Tumpak ang dalawang prinsipyong nakuha mo sa pag-uusap sa taong ‘yun. Moral lesson mababasagin ang itlog pagpinagsama mo ‘yun, siempre kunting galaw eh di mababasag! Pangalawa, lahat na timatamasa natin dito sa mundo ay di natin pag-aari. Ang may-ari ay nasa itaas. Kaya dapat magkaroon tayo ng utang na loob. Pag-iingatan natin ang ibinigay sa atin kagaya nga ilog, hangin, halamanan, sa madaling sabi mga kalikasan gaya ng dagat, lupa, mineral at simpre ang sarili natin… parang nasesermon na ako ata! Akala ko Linggo ngayon.

  4. kiko :(|) ay nagsasabing:

    magandang babasahin ito…

  5. chrisair ay nagsasabing:

    I had the same book, pero sa subrang cute ng book nabitin ako. nice to meet you

  6. wilbert santos ay nagsasabing:

    i like it, inspirational 🙂

  7. Julie (@Juliekinzzz) ay nagsasabing:

    Susundan kong maigi ang iyong paglalakbay. Baka naman madapa ka at malaglag wallet mo. Hahaha.. Anyways, cge pag igihan mo.. magandang pangarap ang yumaman.

    • Mary Ann Kidayo ay nagsasabing:

      hehe ate julie, wala pa akong wallet sa ngayon, wala kasi akong pambili 🙂
      ay hindi naman sa walang pambili, pakiramdam ko lang hindi magandang “investment” ang wallet kasi nakaka-depress kapag lagi mong nakikitang wala na itong laman hehe. isa pa walang interest kapag sa wallet ko nilagay yung pera hehehe
      siya siya maraming salamat po sa pagdalaw 🙂
      baka magkaron ako ng impression na mukhang pera sa pagcomment 🙂

  8. Ads ay nagsasabing:

    Basta and natutunan ko dun ay yung pag-iimpok ng tama at tulad ng sabi mo huwag pagsamahin sa iisang bayong ang itlog (ng manok). Kaya nga kaming mag-asawa ay nagsimula na din sa pag-iipon tulad ng mga langgam para pagdating ng araw meron kaming pagkukunan ng pera kapag kinakailangan.

    Matuto rin magbahagi ng yaman dahil sabi nga para mabigyan ka ng hinihingi mong yaman kailangan nakabukas ang iyong mga kamay dahil kung palaging sarado ‘yan walang papasok na biyaya.

    • Mary Ann Kidayo ay nagsasabing:

      hihi salamat po sa pagdalaw at pagcomment. tumpak! gaya na rin ng comment ko sa Pagbibigay kulto lang ang yumayaman nang hindi marunong magbigay. iniisip ko na rin mag-add ng kategorya para sa inspirational posts para maihayag ng mas maayos ang puntong ito, ngunit mahirap paghaluin ang tawa at pananampalataya, baka hindi seryosohin ng mga mambabasa.

  9. marvin ay nagsasabing:

    so it means sa bdo po magandang magsave ng money . ofw po ako nghahanap ako ng magandang banko na paglalagyan ng ipon ko para lumaga, so BDO ba ang banko ko dapat?

    • Mary Ann Kidayo ay nagsasabing:

      kung OFW po kayo, maipapayo ko lang na dyan ka na sa bansa kung saan ikaw ay namamalagi magbukas ng Savings Account, kasi sigurado, diyan sa bansang yan, mas mataas ang conversion rate, mas mataas din ang Annual Interest… ikaw rin, baka hanapan ka dito ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ma-impeach ka pa!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s