Bilang Isang Mabuting Mamamayang Pilipino

Belated merry christmas, happy new year, valentines, congratulations on your graduation, mother’s and father’s day!
Medyo matagal din ako hindi nakapag-ulat ng pinansyal kong kalagayan (siguro mag iisang taon na…) – at dahil ayokong matulad kay Chief Justice Renato Corona, na bigla niyo na lang hahatulan ng betrayal of public trust, hayaan niyong ihayag ko ang dahilan sa pag-abuso ko sa aking Right to Remain Silent.

Last year, nang umpisahan ko ang blog na ito, ay nabanggit ko na ang 1/3rd na bahagi ng aking SALN.
Iyon ang aking mga Liabilities (i-click lamang ang kulay kahel na mga letra para makapagbalik-tanaw).
Kung tinatamad kang mag-click, ok lang, madali ako kausap – eto ang suma: P500,000 na utang.
At dahil ito ay Pahayag ng Kasalukuyang Kayamanan (tagalog kuno ng Statement of Assets and Liabilities), minabuti ko na unahin na itong i-update. Madali lang naman yun kasi dadagdagan lang ng:
300,000 – lumagong patubo sa akin ng mga bumbay
ibig sabihin 800,000 na ang utang ko! Magaling! Natututo na ako magpalago ng pera, paurong nga lang!

Kung hindi ka nga naman minamalas, nuong nakaraang taon din ay sinuwerte ang tatay ko na mahatulan ng Forced Eviction ng kumpanyang matapat niyang pinagsilbihan sa loob ng labing-pitong taon. At dahil SALN ‘ko’ ang pinaguusapan dito, hindi ko idedetalye kung may nakuha siyang pabaon (baka unahan niya pa ako maalok magproduce ng susunod na pelikula ni vice ganda).
Pagdating naman sa Assets, hayaan mong gayahin ko ang paboritong sagot ng mga napipilitang sumali sa bebot: “that’s all, thank you”. Opo, wala parin akong ipon :'(. Nakalulungkot mang isipin, wala ako magagawa kundi mag-move on, but here’s my number, so call me maybe.

“You will not be disgraced in hard times, even in famine YOU will have more than enough. ” Psalms 37:19

Tulad ng ibang artista, lalo na kaming mga komedyante, sa harapan lang ng kamera kami nakangiti, pero hindi kami plastic (hindi talaga ako artista, pangarap ko lang din yon gaya mo). Sa harap ng blog na ito, marahil naiisip mong sa tunay na buhay, tatawa ka lang sa tabi ko. Ang totoo, madalas ko sulatan si Ate Charo. Matagal ko nang sinusubukan magpasa ng entry para sa susunod na episode ng Maalaala Mo Kaya, pero di ko alam email address niya. Sayang! Magaling pa naman ako umarte at bagay kami ni Angel Locsin. Kayang-kaya ko naman bumili ng Hummer katulad niya, yun nga lang, sa mata lang ‘yon ng mga nakakasalamuha ko araw araw – tingin nila, isa akong taong may mataas na Net Worth. Wala akong credit card, pre-paid lang ang telepono (magara naman ito tignan dalawang taon na ang nakakalipas), nangungupahan, nakikipagsiksikan sa jip, tumatayo sa bus, tinuturing na kain sa labas ang pagjo-jollibee – mga gawain ng simpleng pinoy na hindi nila aakalaing dinadanas ko rin. Ngayon ang panahon ng aking tagtuyot – subukan mong gumising araw araw na may halos isang milyong utang na minana lang…
Sa kabila ng lahat, alam kong hindi Niya ako pababayaan. Siya ang dahilan ng aking mataas na Net Worth, na kahit may nakaka-lulang kahirapan, mas kapansin-pansin parin ang kasaganahan. Kasaganahang nakapagtutulak sa aking maging mapagbigay, sa aking mga kapatid, kamaganak at iba pang mga nangangailangan. Kahit na hindi naman ako tatakbo sa darating na eleksyon at hindi ko kailangan bilhin ang kanilang mga boto. Ang maliwanag lang, kahit gipit, kaya kong mamahagi ng lubos lubos. Bagay na siguradong di ko magagawa kung ako lang – tiyak yon “Divine Intervention”. . . yumayaman na siguro ako.

Advertisements
Nai-post sa Maala-ala Mo Kaya | Tagged , , , , | Mag-iwan ng puna

Balikputik (may bigkas na katulad sa ‘balat-kayo’)

Mula sa pinagmulang putik, ako ay nagbabalik.

Ambiguous – salita, parilala o pangungusap na maaring may higit sa isang interpretasyon.

Parang lecture notes lang ang bungad.

  • Sa magiting kong mambabasa, maraming salamat sa iyong walang sawang pagsubaybay. Ikaw ang dahilan kung bakit pinipilit kong mag-filing artista dito.
  • Sa mga wala namang kiliti, ang paunang bati ang naglalarawan sa kasalukuyan kong kalagayan.
  • Sa mga hindi nakaka-alam, ang blog na ito ay nabuo upang mayroon din kayong kopya ng listahan ko ng utang at kung magkano na ang laman ng aking mga bank account (walang typo, isa lang talaga bank accounts ko).
  • Ang huli kong kwento ay matatagpuan sa link sa baba, may label na “Previous Post”. Iyon ay nailathala mahigit dalawang buwan na ang nakaraan.
  • Ang dahilan ng dalawang-buwang agwat ng post na ito duon sa “Previous” ay sinasalamin ng “lecture notes” sa itaas.
  • You have exactly 20 minutes to finish this exam. (answers keys are on the next paragraph)

Mula sa pinagmulang putik
Ako si Mary Ann Kidayo, isang katauhang nagmula sa mga letra ng katagang: “Yayaman Din Ako”. Inaamin ko at ipinagmamalaki na ako’y kabilang sa Economy Class.

Nai-post sa Paano Yumaman | Mag-iwan ng puna

Subok Ulit

Buying a house is not a fly by night decision. It takes a lot of research, commitment and dedication. After all, it’s your most expensive investment. – Denise

Dugo ba ilong mo sa lalim ng ingles? ‘Wag ka mag-alala, inabot ako ng isang linggo bago ko ‘yan naisalin sa tagalog. Pero di ko na babanggitin dito kasi “redundant content” ang tawag duon at pampababa ‘yon ng “page rank“. Kaya naman ngayon lang ulit ako nakapag-blog, ang hirap din kasi intindihin nung tagalog na salin niyan. Pero siyempre ayoko na nahihirapan ang aking mga mambabasa, kaya’t hayaan mo akong ipaliwanag ‘yan sa’yo sa wikang intsik: Ikaw bili bahay? Ikaw bayad buhay!

Sa kasalukuyang kalagayang ng ekonomiya ng Pilipinas, mabuti pa yung intsik, naiintindihan ng maigi ang tunay na halaga ng bahay at lupa.
Mga ilang linggo pa lang naman ang nakakalipas ng simulan kong pangarapin magkaroon ng sariling bahay. Ito’y kabilang sa mga nanghikayat sa akin na mag-ipon.

Pero may problema sa pag-iipon – hindi ‘yon kasing dali ng itinuturo sa atin gamit ang alkansyang baboy. Sa tunay na buhay, kung nais maging praktikal, huwag ka nang mag-ilusyong makaka-ipon ka din. Aminin mo na, nung umabot ng limang-libo (o higit pa) yung ipon mo, gusto mo na kaagad bumili ng iPhone. Mahirap mag-ipon, lalo na’t kapag alam ng mga kapamilya mong may iniipon ka, gagawa sila ng paraan para mapilitan kang gastusin ang ipon mo.

Iyan ang palusot ng mga taong walang disiplina, na palusot ko din naman dati (nagbago na ko pramis :P). Napag-isipisip ko na kasing hindi yung pag-iipon ang mahirap kundi ang pagkakaroon ng disiplina. Disiplina – marahil ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng batas tungkol sa pwersahang pagkaltas ng sweldo ng mga manggagawang Pinoy. Kung hindi ito ipinatupad, walang magbabayad ng buwis. Kaya naman, kung nais mong makapag-ipon, sigurado akong mabisa ang paraan ng pagbabayad ng buwis sa sariling gobyerno – isang gobyerno kung saan ikaw ang presidente, at bangko ang BIR. Ito ang prinsipyong tumatakbo sa “Automatic Savings“.

Kaya’t nag-punta na ako sa BDO nung isang beses para gumawa ng bagong “Savings Account”  na sa kasawiang palad, may kalakip na bayad din pala. Sa pahina ng InitialDepositRequirements at DepositProducts matatagpuan ang detalye ng iba’t ibang klase ng Savings Account sa naturang bangko. Pangarap ko sana magbukas ng Optimum Savings ang kaso, hindi pala uubra duon ang ala-bumbay, di pede yung “por-gibs” o “payb-gibs”. Nagbaka-sakali din ako dun sa Junior Saver’s Club (mukha naman akong bata) kaso sabi nila “Sorry sir, this is only offered to kids aged 7 to 12 years old.” Sagot naman ako ng “Ah, ok.” Ang ending, dun ako sa Peso Savings Account Payroll – mas madali nga ito gawin sa halagang isang daang piso lang (100.00), ang kaso mas matagal bago magka-interes dahil kailangang lumaki ng limang-libo (5,000.00).

Ang plano? Simple lang – sa kasalukuyan, ako ay naninilbihan sa isang kumpanya. Sila na rin ang nagmagandang loob na gawan ako ng Payroll Account nang ako’y kanilang ginawang alila. Kung mahina ang utak, ibig sabihin, dalawa na ang aking account sa BDO. Gamit ang tinatawag na Scheduled Transfers, magbabayad ako ng buwis sa aking sarili galing sa payroll account ng aking mga amo. Sa tulong ng Compounding Interest ang aking ipon ay di magtatagal makabubuo rin ng 25,000. Kapag nangyari iyon, maari na akong gumawa ng Optimum Savings Account. Uulitin ko ang prosesong ito sa bagong account na iyon at di magtatagal – yayaman din ako!

Nai-post sa Paano Yumaman | Tagged , , , | 1 Puna

Kung May Sarili Akong Kumpanya…

Kung nabasa mo ang mga nauna konng lathala, maaring naisip mong katuwaan lang ang blog na ito. Sa totoo lang, ako din naman, gusto ko sanang maging katuwaan na lang ang lahat. Sinong di mapapasaya ng ula-aa-aa-aaa-aan? Pero dahil kailangan magkaroon ng puno’t dulo ng lahat, naisip kong ilahad dito ang mga detalye kung paano ako umabot sa puntong gusto ko na simulang yumaman.

Tulad ng ibang pangkaraniwang pilipino, marami akong utang. Ang masama lang, hindi naman sa akin yung utang – pamana lang. Sa ganitong pagkakataon, pinupuri ko ang sarili ko na hindi ko ginalingan ang pag-aaral sa math. Nakakatulong itong bawasan ang lungkot, natatagalan bago ko malaman ang kabuuan ng utang. Pero ganun pa rin naman, ang utang ay utang – sa huli, malalaman mo din kung magkano na lahat. Kung gusto mo ng aktwal na halaga simpleng mga kalahating milyon lang – P500,000.00

Kung accountant ka at kailangan mo ng breakdown of fees:

  • 35,000 – utang sa bumbay, ginamit pampuhunan ng tindahan
  • 35,000 – utang ulit sa bumbay (ibang nilalang, pero baka magkapatid lang sila, magkamukha kasi e), pampuhunan din sa tindahan dahil ayaw nang magpautang nung naunang bumbay
  • 6,000 – utang sa pinoy, may interest na sampung pursyento kada buwan (mula ) kaya marahil lalaki pa
  • 4,700 – utang sa coop, pambili ng pamalit na nanakaw na cellphone
  • 22,500 – utang sa kaibigan, hulugang kagamitang pang-hanapbuhay
  • 175,000 – lumaking utang sa gobyerno – Estate Tax
  • 65,000 – utang sa Pag-ibig

  • 62,720 – pasalubong at pabaon (konti lang, di naman ako kasing gahaman ni Lt. General)
  • 94,080 – Kickback ko siyempre (60% nung 156,800 na natitira bago magpabaon)

Kalahating milyon – maliit na halaga lamang sa mga taong nasa tuktok ng tatsulok, ngunit kapresyo na ng buhay ng aking buong pamilya. Marahil kung may sarili rin akong kumpanya, baka ilang minuto lang bayad na yan.

Mabuti na lang at nalagpasan ko na ang panahong wala akong ginagawa kundi managinip. Mali si Rizal, mas tama siguro kung yung kasabihan ay gagawing “Ang taong ‘di marunong maglakad, ‘di makakarating sa paroroonan.” Kung mananatili akong nangangarap lang, hindi ko ‘yon maabot, magpapatuloy lang ang tradisyong magpamana ng utang. Ngunit naniniwala ako na mag-iiba na ang panahon, ito na nga ang simula – seryoso po ako, yayaman din ako!

Nai-post sa Maala-ala Mo Kaya | Tagged , , | 1 Puna

Unang Hakbang

Dahil na nga sa matinding pangangailangan, nakipagsapalaran ako sa Ermita. Tamaan ka sana ng ligaw-na-bala sa new year kung naisip mong nagbenta ako ng laman sa Malate. Nagkataon lang na ito ang pinakamalapit na branch ng BDO sa amin. Gaya na nga nang nabanggit ko sa aking Simula ng Pagyaman, nagkaroon ako ng kaalaman sa pagiipon at paninidigan na gawin nga ito.

Nais ko sanang simulan ang pag-iipon sa bangko kung saan nakapangalan ang aking Payroll Account. Inaamin ko na ngayon palang na wala pa akong karanasan sa ganitong bagay dahil tulad mo mahina din ako sa Math at ayoko kay Pythagoras. Wala naman siguro masama kung ‘yan ang sisihin ko sa mga nakakahiyang pangyayari na naganap sa akin kanina sa bangko. Sakali kasing nahilig ako sa Math, baka naging interesado din ako sa accounting at natutunan ang mga simpleng para-paraan sa bangko.

Kaya minabuti ko na ring isulat dito ang sa tingin ko’y makatutulong sa ibang dukha sakaling naisin din nilang magipon sa tulong ng mga bangko.

  1. Siguraduhing may dalang Valid ID (ang mga sumusunod ay halimbawa nito: SSS ID, TIN ID, GSIS ID, Driver’s License, NBI Clearance). Narito ang kumpletong listahan. Hindi uubra dito ang mga katagang: “bata ako ni mayor!”
  2. Sabihin sa guard ang pakay kung ayaw mapaghinalaang may masamang balak. Kahit halata sa kanila na wala rin naman silang idea tungkol sa sagot mo, hindi naman sila mangangagat.
  3. Abangan ang mga susunod kong payo. Babalik pa ako sa bangko dahil ang mga nabanggit kanina ay hindi ko rin nasunod. Kung may mangyayari pang kahihiyan-ala-bangko hindi ako magdadalawang isip na ilista ang mga iyon dito para sa inyong dagdag kaalaman.
Agaw Pansing Pagkapkap

Iwasang magdala ng maleta, iwas abala

Nai-post sa Paano Yumaman | Tagged , , | Mag-iwan ng puna